Thursday, September 01, 2005

>>> nandito lang ako <<<

Hayyyyyyy... eto na nman ako... nagsesenti sa isang tabi... nagiisip ng kung ano ano na di naman dapat pagtuunan ng pansin at panahon. Nagtatanong sa sarili, asan ka na kaya ngayon. Naiisip mo rin kaya ako. Ang tagal ko nang naghihintay pero di ka pa den dumarating. Minsan nga di ko na alam ang iisipin, ang sasabihin. Ang isasagot sa mga katanungan nilang paulit-ulit na binibigkas sa tuwing ako'y kanilang nakikita't nakakausap. Naririyan ka nga bang talaga o baka naman likhang isip ka lang? Umaasa kaya ako sa wala o sadyang susulpot ka na lang sa buhay ko kung kelan mo gusto. Sana nga lang bilisan mo ng konti... Sana po maisipan mong pumunta dito sa kinalalagyan ko nang sa ganun ay makita mo na ko... pero di ko alam kung ako nga ang talagang hinahanap mo.. baka kasi umaasa ako sa wala.. pero ano pa man... naniniwala pa rin ako na bukas makalawa makikita mo din ang daan patungo sa king kanlungan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home