Thursday, June 09, 2005

torpedo

May gusto ka ba sa kanya? Crush mo sya? Hmmmm... infatuated ka? Like mo sya? Cge na nga, LOVE mo na!!! Ayaw mo pa kasing umamin. Kitangkita naman sa mukha mo. Halata naman sa mga ikinikilos mo. Pero ano nga ba ang inaantay mo? Ang tamang panahon, tamang pagkakataon? Kaya siguro paborito mo na ang Pagdating ng Pahanon (by heart!)? Huwag mong sabihing strict ang parents mo at bawal ka pang manligaw. Naman...!!! Sa totoo lang matanda ka na. Of legal age of legal state. Of legal mind, medyo di ako sigurado dyan. Simulan mo na kaya. Kumilos ka na. Itaas ang mga kamay at iwagayway. Like that, simple lang di ba. Hayyyy... ayaw sana kitang pangunahan, kaso nga lang mas masarap ang makialam. Ano pa ang silibi ko sa mundong ito kung di man lang kita matutulungan, makantyawan. Pero lam mo ang himbing na sana ng tulog ko, kaya lang ginising mo ko. Oo!!! nagising ako sa mga katanungang bumabagabag dyan sa isipan mo. Mga katanungang sadyang di magkakaron ng mga kasagutan hanggat d mo susubukan, di ka makikipagsapalaran.

Di mo ba namamalayan ang mga taong nakatutok sa 'yo? Nagmamatyag, nagmamasid, nagtataka, natutuwa sa mga ikinikilos mo. Ang dami naman kasing mga tsismosa sa mundong ito. Na sa tuwing nakikita mo ang pinakatinatangi mo ay di mapalos ang mga mga ngiti na kusang nakaukit dyan sa mga labi mo. Na sinasabayan mo pa ng panghahaba ng liig mo. Daig mo pa nga si captain smiley. Sa katunayan, papasa ka bilang isang modelo. Modelo ng hapee toothpaste. Pedeng pagkakitaan. Isipin mo na lang pandeyt din yan! Sayang nman...

Araw araw mo nga syang nakikita, pero di mo nman magawang kausapin sya. Harapan man o kahit patalikod na nga lang sana. Torpedo pa din ang drama! Ang dilang madaldal ay naglaho ng kusa. Eh ano nga ba naman ang paguusapan nyo. Alam mo na ba kung san sya nakatira? Kung ilang taon na sya? Kung ano ang mga hilig nya, ang mga gusto nya? Di mo maisip di ba. Lutang! Tuliro! Tulala! Ewan ko ba sa yo, di ka naman dati ganyan. Dinaig mo pa si makahiya. Ang dami mo nang pagkakatong pinalampas, hinayaan. Ano nga ba ang kelangan mo? Ang bato ni narda ng makasigaw ka ng darna? O ang damit ni superman ng makalipad ka ng tuluyan?

Ano ba!!! pwede ba umabante ka na? Inip na ko... kung hindi ako na ang gagawa nyan para sa 'yo. Lagot!!!!!

You really like her... you wanna date her... you wanna kiss her...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home