Thursday, June 02, 2005

KSP

KSP! Kulang na kulang sa pansin. Deadmatic ka talaga. Super snobbish. Samantalang dati di natatapos ang araw ng di mo ko nakakausap. Mapachat, mapatext, email man or in person. Imagine! Pero ngayon, gandang umaga lang o ni simpleng hi nga lang di mo maiparating sa 'kin. Kahit nga bye bye naggoodbye na rin. Pathetic di ba. Napapaisip tuloy ako. Haaayyy... buntonghininga...ang lalim. Di ko na nga sana papansinin... balak na balewalain. Kaya lang, sadyang nakakapagtaka. Nang-iinis ka lang ba talaga? Nanunubok? O maaaring ako'y iyong nakalimutan o baka naman sadyang iniiwasan. Aray! Ang sakit naman. Sana hindi yan ang dahilan. Pero bakit naman, may nagawa ba kong kamalian? Siguro ay marami ka lang gawain. Di magkandaugaga, di magkandatuto sa sobrang tambak ng trabaho. Baka naman naharang lang si messenger, natrapik, nasiraan, kaya tuloy mensahe mo na pinakaaabangan e di nakarating sa paroroonan. Ilang araw din yun, di ko na mabilang. Ewan ko, di ko na alam. Hayaan mo na nga lang. Malay mo bukas magbago ang ihip ng hangin, ika'y magpasya na ako'y pansinin at kausapin. Sana nga lang... sana lang...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home