Monday, May 30, 2005

...kaya mo yan

Pre, mukhang tulala ka na naman. Napakalalim naman ata ng iniisip mo. Di ko kayang sukatin, di ko kayang sisirin. Ano nman ang dahilan? O baka naman sino'ng may kagagawan ang mas nararapat na katanungan. Huwag kang malungkot. Huwag kang mabahala. Huwag mong masyadong pakaisipin. Di mo dapat lubusang dibdibin. Ang mga suliranin ay nakakabaliw kung hahayaan nating tayo ay mabaliw. Ang mga problema ay nakakalungkot kung tayo ay lubusang magpapaapekto. Dapat mong tandaan na ang mga pagsubok sa buhay ay gagaan kung marunong lang tayong magdala, magtiwala. Kung buong tapang nating haharapin ano man ang kalalabasan siguradong malalampasan natin. Nasa sa ating mga kamay pa rin ang kalutasan. SIYA ang gumagabay at umaakay. Tayo ang hahakbang patungo sa landas na nais nating tahakin.

1 Comments:

Blogger neel said...

gulay! buti na lang nauso ang blog kung hindi baka kung saan lumabas yang mga nasa saloobin mo =P .. ang lalim! .. ma-relihiyoso .. so deep deep down in my heart .. bwehehehehe

7:06 PM  

Post a Comment

<< Home