Saturday, May 28, 2005

hanggang sa muli...


Aalis ka na pala... Nakakalungkot naman, di ka man lang nagpasabi. Eh di sana napaghandaan ko. Naaya sana kitang lumabas, kahit sa panaginip. Eh di sana napuno ko ang inbox ng celfone mo ng mga walang saysay na mga mensahe na ikaiinis mo lang. Eh di sana nasingil kita ng maaga sa mga utang mo... Oo.. sa mga utang mong kwento! Eh di sana nakumbinsi pa kitang 'wag na lang umalis (charing!!!!! asa pa ko...).

Pero eto seryoso na ako... promise! Masaya ako para sa 'yo. Kasi alam ko na eto na ang pagkakataong hinihintay mo para sa career mo, para sa ikagaganda pa ng buhay mo. At higit sa lahat masaya ako kasi nakita pa kita bago ka lumipad patungo sa ibang lupain. At sa pagkikitang 'yon, napakaswerte ko nman kasi nagdampi pa ang ating mga pisngi. Ang bango mo talaga. Sadyang kakaiba! (Ang babaw ko noh... hayyyyyy...) Mamimiss kita ng sobra... Pero alam ko na magkikita pa din naman tayo sa darating na panahon. Magtatagpo pa rin ang mga landas natin. Di ko man masabi kung kelan pero naniniwala ako na mangyayari yun. Sana nga lang ay makilala mo pa din ako. Sana ay matandaan mo ang isang tagahanga mo na minsan ay naging kaibigan mo at mananatiling kaibigan mo kailanman. Pero siguro naman, sa panahong yun ay may pambayad ka na sa utang mo... Sa tagal mo ba namang mawawala, tiyak na makakaipon ka na ng mga kwentong pambayad mo... Pero sige na nga, kahit 'wag ka nang magbayad, ok lang... basta bumalik ka lang!

Hanggang sa muli nating pagkikita...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home