Wednesday, July 06, 2005

Bakit kaya??? Eh baka naman kasi...

"Bakit kaya wala ka pa?" Ang tagal mo nang umasa. "May dimples din naman ako ah. Eh bakit ako wala samantalang sya meron. Samantalang...." oh ohhhh... bawal magcompare.
Madalas kang magisip tungkol sa bagay na yan. Lalo na ngayon habang tumatakbo ng mabilis ang panahon. Ang daming taong nagtatanong. Kelan ka magaasawa. Nasan na ang kasintahan mo. Kayo na ba nino? Ikaw naman, pagod nang tumugon sa mga tanong na paulitulit mong sinasagot. Buti pa noon nasasabi mong di pa pwede, strict ang parents ko. Nagaaral pa ako, kaya bawal ang boyfriend sa buhay mo. Madaling lumusot, ang daling sumagot. Pero ngayon, tapos ka na sa pagaaral mo, nasa tamang edad na at nagtatrabaho. Kapag ika'y tinanong, at sagot mo'y wala pa, eh bakit??? agad ang patutsada. Sabay pa ang pandidilat ng mga mata at di makapaniwala. Bakit nga ba? Di mo din alam. Di mo din maisip. Eh baka nman kasi......
(1) Sa isla ka nakatira.
Nasanay kang laging nasa bahay. Domesticated na buhay. O baka naman opisina at bahay lang ang alam mong puntahan. Paminsanminsan lumabas ka naman sa inyong bakuran. Mangapitbahay ka. Palawakin mo ang iyong isla. Gayahin mo si Magellan. Madaming lugar na natuklasan. Gumimik ka. Magmalling. Mamalengke. Mamasyal ka sa luneta. Tumambay ka sa ermita. Nang maexpose ang iyong kagandahan. Malay mo sa iyong paglalalakad sya ay iyong makasalubong. Pagkatapos denekwat ang daladala mong celfon. Di mo namalayan, laking panghihinayang. Masyado kang nagpacute. Basta laging tandaan, minsan kelangan alert ka den naman kasi minsan kala mo nagpapacute sa yo. Un pala sya ay isang manloloko.
(2) Pangarap mo ang maging artista.
Kolektor ka ba ng maskara? O sadyang nais mong maging isang artista. Iba't ibang mukha sa sarili ang iyong naipapakita. Pang famas ang acting! Lakas ng dating kay bigat nga lang dalhin. Di mo nman kelangang magpanggap. Magpakalunod sa makeup. O makiuso sa mundo. Basta kung ano ka yon lang ang ipakita mo. Magpakatotoo ka. Tiyak tanggal uhaw mo. Drink sprite para sigurado.
(3) Mahal ang magmahal sa panahon ngayon.
Tumaas na naman ang benta ng gas. Lalo na nang pinatungan ng e-vat. Kinulang na naman tuloy ang kanyang pamasahe. Kaya hayan pagkikita nyo ay patuloy na nauunsyame. Nagiipon pa siguro ang para sa yo. Para may pangdate kayo sa darating na pasko. Di pa naman tumataas ang sweldo. Pero panay ang taas ng mga presyo. Siguro naglalakad na lang sya papunta sa inyo kaya mas natatagalan ang paghihintay mo. Pero wag kang mainip nang lubusan. Malay mo tumatakbo naman kahit papano ng pagkikita nyo ay mapabilis lalo.
(4) Pangholloween ang dating mo, stress tabs ang kelangan mo.
Nawawala pa rin ba ang salamin mo. Di ka pa rin nakakabili ng bago kaya ayan tuloy di mo makita ang sarili mo. Baka naman mukhang sampu sampu na ang anak mo. Eh di beinte na yon, naku kay rami naman! O di kaya nakalimutan mong maligo. Pagod na mukha sa yo ay bakas na bakas. Mahangin pa rin ba sa labas? Dapat shinampoo ko lang yan ang statement mo. Di mo naman kelangang maging dyosa ng kagandahan. Sapat na yong malinis kang tingnan. Kaayaayang pagmasdan. Laging fresh. Mabangong amuyin, amoy downy, mahalimuyak ang dating.
(5) Kinarer mo ang career mo.
Mukhang subsob na subsob ka sa yong trabaho. Pagiging careerwoman mo ay dinibdib mo naman ng todo. Halos 24/7 ang schedule mo. Ayan tuloy nakalimutan mo na ang ibang aspeto ng buhay mo sa mundo. Siguro crush na crush mo ang bosing mo kaya trip na trip mo ang magpaumaga sa opisina nyo. Sigurado ka bang may bahay na inuuwian? O baka naman ang opisina nyo na ang iyong tahanan. Sana ay wag naman. Maaari mong baguhin ng konti ang lifestyle mo. Subukan mo ang buhay sa labas ng trabaho. Baka kasi nandun lang ang para sa yo. Naghihintay din sa pagdating mo. Gumala ka, makisalamuha. Baka mata nyo ay biglang magtama.
(6) Si Miss Tapia ang role model mo.
Ang aga aga siguro nakasimangot ka na. Normal na normal na sa yo ang ganyang pagmumukha. Nangangain ka ba ng tao ay parang takot na takot sila sa yo. Para namang may hawak kang latigo. Snobbish na snobbish malamang ang dating mo. Kaya masyadong ilang sa yo ang mga tao. Reyna ka ba ng katarayan, prinsesa ng supladahan. Ibaba ng konti ang iyong kilay. Subukan mo namang ngumiti, ilabas ang ngipin na mapuputi. Isipin mo na lang may camera dyan. Picture perfect ang smile. Huwag kang masyadong mailap at suplada nang sa ganun sila ay magpakilala.
(7) Pang QC (Quality Control) ang drama mo.
ISO Certified ba ang hanap mo. Pang IS (International School) ang standards mo. Baka naman gusto mo e mala Einstein ang dating. Mala superman ang katawan. Hay naku, di pa nabubuhay si Perpekto. Kaya kay Pekto ka na lang muna. Baka naman pamantayan mo sa buhay ay kelangan mong babaan. Nang sa ganun sila ay magsidatingan.
(8) Shytype ang para sa iyo.
- Siya ay tumitiklop pag ika'y nakikita. Dinaig pa si makahiya. Baka naman kelangan painumin ng lipovitan. Extra joss. Liveraide. Vitamin C. Tequilla. Vodka. Nang lumakas ang loob. Hiya ay masukob. Maaaring ikaw ang inaantay. Gumawa ng hakbang, tumakbo, kumilos. Minsan kelangan mong makiramdam. Baka naman paminsanminsan kelangan mo ding gatungan. Nang damdamin ay sumiklab. Sakaling sa yo ay magtapat. Lakas tama. Redhorse. Do the moves. Lets do the funk.. la la la la...
(9) Hindi pa pinapanganak ang nkatakdang katapat mo.
- In na in sa ngayon ang age gap kaya malamang ay wala pa sya sa mundong ito. 2 years, 5 years, 10 years, 20 years, and many many years is ok. Sabi nga nila age doesnt matter as long as you have a bread and butter samahan mo pa ng water. Kaya wag kang mainip. Malay mo bukas na pala ang kapanganakan nya o di kaya sa makalawa. Kaya habang wala pa sya magpaganda ka na lang muna. Wag ka muna masyadong mangunsumi nang sa ganun wrinkles ay di dumami.
(10) Mother/Father material ka.
- Mundo mo'y magulo. Isip mo'y litong lito. Eh baka nman kasi ikaw ay isang pinagpala. Pinagpalang maglingkod sa maylikha. Masyadong kang nagiisip. Nagaalala. Nagtataka. Kung bakit ang para sa iyo ay wala pa. E yun nman pala! The Calling ang fave mong banda. Basahin ang mga siglo nang umaliwalas ang iyong ulo. Bat di mo sya kausapin, tanungin. Linawin ang misyon sa buhay nang mundo ay maging makulay. Baka nga ika'y nakalaan sa mundo para maging ina ng sambayanang pilipino pati na rin sa buong mundo. Mabuhay ka mother! Superior ang dating!

Pero alam mo, gaano man kagasgas ang pahayag na ito dito sa mundo, pero ito ay sadyang totoo. Dadating din ang para sa yo. Sa tamang panahon sa tamang pagkakataon. Ibibigay sa yo ang sino mang nakatakdang makakasama mo. Kaya habang wala pa magpakasaya ka na lang muna. Huwag kang masyadong malungkot. Maraming bagay na maaari mong gawin. Pagkakataong hubugin ang iyong sarili para ikaw ay lalong mapabuti. Basta kahit saang lupalop ka man sa mundo, basta para sa yo, magkukrus talaga ang landas nyo.

paalala lang po: mga nakasulat dito ay wag paniwalaan. ito ay isa lamang katuwaan!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home