Thursday, June 09, 2005

LTO (Lakas ng Trip as Olways)

Sabado. Araw ng pahinga. Okay lang kahit tanghali magising at magpabandyingbandying. Madalas, ito ang araw ng bonding namin ng kama ko. Ang pagkakataon na naipapadama ko sa kanya kung gano ko sya kamiss sa buong linggo. Pero hindi muna ngayon. Haayyyy... ang aga kong nagising, palibhasa kelangang gumising. Naligo. Nagbihis at umalis. Pupunta kasi ako sa isang ahensya ng gobyerno at ang kelangan ay maaga ako ng mapabilis ang pagaasikaso. Kaya eto, nandirito na ko. Mainit, magulo, pero kelangang magtiis. Ganyan talaga ang buhay. Buti na lang wala pang masyadong tao. Panatag ang loob na mauuna ako. Maaga akong makakauwi, makakapagpahinga sa piling ng aking kama. Sana nga lang talaga! Dumaan ang ilang minuto at nagdagsaan ang mga tao. Buti na lang talaga at nauna ako. Kung hindi, naku baka siyam siyam ang abutin ko. Hintay... hintay... hintay... Tingin dito tingin doon. Naiinip na 'ko. Sadyang napakatagal ng proseso. Isang oras na ang nakalipas, ngunit ang kinauupuan ko ay walang kupas. Kung sino sino na nga ang naupo at umalis sa tabi ko. Pero bakit ako, naroroon pa rin ako? Ako! lagi na lang ako... si ako... Naiinis na talaga 'ko. Umiinit na ang ulo ko. Bakit nman nauna pa si pontio pilato!!!??? Eh samantalang kanina pa 'ko dito. Waaaahhhhhhhh!!!!! May magagawa pa ba 'ko? Sa sobrang tagal sa kakaantay, kung sino sino ang napagtripan. Pinansin. Pinuna. Pinintasan. Pero lahat ng yon ay sinarili ko lang, Syempre naman. Walang personalan. Sadyang udyok lang ng matinding pangangailangan. Pampalipas oras. Pampatanggal inip. Pantawid gutom. At higit sa lahat pampalamig ng ulo. Sinikap ko namang magbulagbulagan. Matulog ng dilat, ngunit sadyang di ko nakayanan. Hala sige, ituloy ang laban. Palingalinga ang gumagalang mga mata. At nang masilayan si kikay, lalong nagkaron ng buhay. Sya ang peyboreyt kong si Inday. Nang dahil sa kanya oras ko'y lumipas ng di namalayan. Si Inday ang tunay na larawan ng isang babae. Bakit ka nyo? Mahaba ang kanyang buhok na mataas ang pagkakapusod. Nakapoloshirt na puti. Bagay na tinangkilik ng mga tao nung ito ay nauso. Mahaba sa likod maiksi sa harap, naalala mo na ba? Mismo! Tenernuham ito ng palda na sa akala mo'y kinulang sa tela. Ang paldang kung tawagin ay 'the micro mini'. Na tipong pag ika'y napayuko o napaupo ay sadyang matutuwa, manlalaki at mamimilog ang mga mata ng mga taong nakamasid sa 'yo lalong lalo na si Pedro. Matangkad si Inday. Malaki ang naitulong ng kanyang tsinelas na may 3 o 4 na pulgada ang taas. Bitbit ang kanyang mahabang payong at mabalahibong bag, naupo na si Inday. Ang swerte ko nman. Sa dinamidami ng mauupuan, dun pa sya napadayo sa aking harapan. Akala ko dun na nagtatapos ang lahat. Pero nang may biglang inilabas si Inday na kung ano anong mga bagay. Pintor pala si sya, pintor ng sarili niyang mukha. Nakakaaliw. Nakakabaliw. Simulan nya sa foundation, face powder o kung ano man ang tawag dun. Pagkatapos ay ang pampapula ng kanyang mga labi. Daig pa ang nakakain ng cherry balls. At di pa nasiyahan sa kanyang nakita. Di sya simpleng retouch kung tawagin. Inilabas nya ang pangipit ng kanyang pilikmata. Sadyang kakaiba ang nagagawa, Ang deretsong pilikmata ay biglang kumorba. At sa pagkakataong ito, may ipinahid sya sa kanyang mga mata. Pero sa bawat pagpahid nya ay may isang katanungang naligaw sa aking isipan. Sadya bang namimilog ang bibig, abot langit ang kilay, mata ay nandidilat sa tuwing naglalagay ka ng kolorete sa mata? Naisip ko lang naman mula sa aking nasaksihan. Napadaan lang. Nakakabilib kasi Inday. Kahanga hangang tunay. Handang handa para sa kamerang kakaharapin (id picture! id picture!). Wari mo'y isang modelo. Haaayyyy... samantalang ako, tao pa ba ako, ina? Natigil ang aking kabaliwan. Sa wakas tinawag na ang aking pangalan! Makakaalis na din ako, Sumpa'y nawala, nakalaya. Pero salamat Inday sa kasiyahang naidulot mo, sa mga tips na napulot ko. Ngayon marunong na akong magmakeup sa sarili ko.

Trip trip lang po...

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hehehehhehehehe ang galing mo inday.....

10:20 PM  
Blogger neel said...

magaling talaga. simpleng bagay pero nagagawan ng humour. hands down =)

9:35 AM  
Blogger Gumagalang Isipan said...

tenchu! tenchu po! pede po ba malaman kung cno kaw anonymous?

marleen tagal ko nang walang naisusulat. in d middle of a stormy weather... la ako maisulat... hehehe...

7:49 PM  

Post a Comment

<< Home