at nang mahuli ako sa edsa...
gnun pla ang feeling ano pagfirst tym kang pnara ng MMD pagtapos ay pnatabi... parang alam na alam mo na ang mga susunod na pangyayari.... di ko inaakala na sa pagkakataong e2 ay mahuhuli ako ng pulis trapiko... maayos nman ang takbo ko sa edsa... d nman ako balisa nung umpisa... pero ng dahil sa pagkalito hayan lisensya ko ay muntik nang matanso... pagkapara ay huminto.. binuksan ang pinto... akin na ang lisensya mo... ano naman po ang kasalanan ko... dilaw na linya ay pampubliko.. sana ika'y lumiko nang sa ganun d ka pinahinto... huminga ng malalim... nagiisip kung ano ang gagawin... manong d ko po alam kung san talaga ang daan.. pasensya n po at ngaun lang dito ako'y napadako... sya lamang ay ngumiti samantalang ako ay nagdadalamhati (kunyari)... pede na ako sa pagaartista... pangfamas ang drama... manong d ko po talaga alam... ako'y takot alam kong ako ay malalagot... ano po ba ang kelangan kong gawin... upang ako ay iyong palayain... iha isang libo yan sa may city hall..... bababaan n lang naten, 500 ikaw ba ay call??? manong nman po... habang mata'y lumuluha c manong nman ay naaawa... o cge magkano n lang ba ang kaya mo? cge ikaw ang magsabi at sesegundahan ko. Manong nde ko po talaga alam... ako'y naiiyak... mga luha ay kusang pumapatak... kaarawan ko pa nman ngaun bka nman ako ay iyong mapagbigyan... nang mga luha ay mapahiran... iha d mo nman cnabi.... nang dahil dyan ikaw ay aking palalampasin... lisensya mo ay d ko na kukunin.... hala cge ika'w humayo... pagdating sa ayala ika'y lumiko.... maraming salamat sa iyong regalo... ngaun ako ay napangiti nang todo...!!!!!! =D
1 Comments:
relate na relate ako ah! hahaha traumatizing talaga pag pinapara ng pulis, nakakainis!
Post a Comment
<< Home