wALa LaNg
makibasa lang kyo
sa aking mga kapraningan
basahing maigi
namnamin ang mga nilalaman
kung di man maisip
at di man alam
hayaan na lang
na sadyang maging ganyan
wag masyadong pagisipan
wag masyadong damdamin
di lahat ng mga nakasulat
ay makatotohanan
may mga bagay
na bunga
ng sariling karanasan
meron din namang
hango sa mga kwento
ng lipunan
at may pagkakataong
ito'y likhang isip lamang
sa mga oras na 'to
ako'y
walang maisulat
marahil ay bunga
ng mga mata kong dilat
ngunit natutulog na utak
marahil ngay naubos
baka nman naupos
o di kaya'y natangay
ng agos ng pagod
kaya ngayon pa lang
ako'y magpapaalam muna
bago pa kayo
tuluyang mayamot
at sa ulo'y mapakamot....
=D
3 Comments:
ang tagal kong nag-antay bago ko matapos ang nasusulat dito.
pilit kong ini-intindi bawat
salitang nasusulat at maging
bukas na sana ang pagiisip sa kung
ano naman ang aking malalaman.
ngunit ng malapit ng matapos ang
aking binabasa akoy biglang
napatanong, asan na ang kailangan
kong intindihin, at ng mapag-isip-isip pa muli ng
ilang saglit, tsaka ko na lang napag-tanto, may laman din
pala ang nabasa ko. Ang laman
ng kwento mo, alam mo kung
ano....Ikaw, ikaw at ikaw...
lahat ay ikaw...
maging ikay lumigaya sa mga sandaling ang isipan mo'y
kailangang mag-pahinga....
at sa iyong pagpahinga sana
ikaw makapag-isip at magising
sa mga dapat mong malaman.....
=B·>
Sa kapwa ko anonymous ang masasabi ko lang ay Wow pare! ang labo mong magcomment.Pansin ko lang nagpupumilit ka masyado ;)
ay ang labo naman. pero ok lang yan. u r still cute to me and im still cute to me too. and dont worry. di ko masyado dinadamdam. konti lang ;) rest wen u have tym ha. alam ko pagod kayo dyan. mishoo =D
Post a Comment
<< Home