Monday, September 26, 2005

san ka nahirapan?

ang hirap palang...
magkunyaring di mo gusto
ang isang taong nakatatak na sa puso mo

ang hirap palang...
itago ang tunay na kagalakang nadarama mo
tuwing siya'y nakikita kahit na sa malayuang tingin lang

ang hirap palang...
pigilin ang mga ngiting pilit na bumabakas sa yong mga labi
sa pagkakataong ika'y kanyang nginitian, pinansin kahit na panandalian lamang

ang hirap palang...
pigilin ang kusang pagpatak ng mga luha sa 'yong mga mata
sa panahong naglakas loob kang magtapat ng tunay mong damdamin

ang hirap palang...
magmahal ng taong pagaari na ng iba
o di kaya'y sadyang ayaw sa isang katulad mo
at alam mong sa panaginip at pangarap mo lamang mapapasa'yo.....

3 Comments:

Blogger neel said...

i agree with you .. masakit talagang isipin na ang minamahal mo eh hindi naibabalik sayo and same emotions na nararamdaman mo .. tadhana nga naman talaga kung magbiro .. tsk tsk tsk .. pero still we keep on hoping =)

12:35 AM  
Blogger blue_palito said...

tsk tsk tsk.

yan lang msasabi ko hehe.

welkam 2d club chuy *hugz*

12:44 AM  
Anonymous Anonymous said...

bwiset...kalimutan mo na sya at pansinin mo ko dito. i told you before and i'll tell you again. pag nagkagusto ako, nakataga na sa bato...basagin mo muna puso ko...yun ay kung kaya mo. delete mo lang tong post ko kung gusto mo. just stating my opinion.

5:57 AM  

Post a Comment

<< Home