Wednesday, November 09, 2005

tipong senti

nasan ka kaya ngayon...
ano kaya ang ginagawa mo
sa pagkakataong ito...
namimiss mo rin kaya ako
gaya ng pagkamiss ko sa yo?
marahil..... siguro......
ang hirap talaga ng magkalayo
alam ko masyado kang busy...
kagaya ko
tambak din ang trabaho...
miss ko na ang simpleng kwentuhan natin
mga kwentong barbero at kung ano ano
simple lang pero ang lakas ng tawanan
habang nagsasalo sa tanghalian
miss ko na ang pangungulit ko sa yo
dala man ito ng kalokohan o sadyang seryoso
mga katagang binibigkas
mga kwento kong may kwenta man o wala
bukas palad mong pinapakinggan
at lagi mo kong dinadamayan
sa panahon ng kasiyahan
at kalungkutan
miss ko na din ang mga lakad natin
kahit tayo lang nagagawa pa ding exciting
simpleng nood ng sine o kain sa labas
ang magfood trip kasama ang pamimintas
magbarhop kung saan saan
ok na ok tayo kahit saang lakaran
pero sana lagi mong isipin
di man tayo nakakapagusap
di man tayo nagkikita...
lagi kitang namimiss...
lagi kitang naiisip
kinakamusta
pinagdarasal
haaayyyyyyy....
sana magkasama na ulit tayo
nang maibahagi ko sa yo
ang mga bagong yugto sa buhay ko
at nais ko rin sanang marinig
ang mga pangyayari sa buhay mo
habang wala ako....

6 Comments:

Blogger neel said...

sobrang nakaka-touch naman ito =)

12:33 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ang Lufet!!!! Wa ko say!!! Da best... Swerte naman nya..... sana ako rin na miss mo.... =B·>

2:38 AM  
Anonymous Anonymous said...

pagkatapos kong mabasa ang iyong tula,
napaisip ako habang nagiisa,
ako nga ba ito yung tinutukoy na tula mo?
o sadyang ibang tao na nilalaman ng puso mo...

nang lumayo ka, sa kakaisip di nahinto,
ano na ba talaga tayo? laro lamang o seryoso?
pero ok lang ako...kahit naghihintay ng ganito.
dahil kahit anong mangyari, nararamdaman ko di nagbabago...

--siopaoasado

5:57 AM  
Blogger Gumagalang Isipan said...

todo... lumalabas ang pagiging makata ng mga pipol in d universe... =D
smile lang kau jan...

5:16 PM  
Anonymous Anonymous said...

wow... grabe.... kakain-luv naman...sarap mo naman magpahalaga sa isang tao... sana ako na lang sya.... hehehehehehe.... ;-p

1:52 AM  
Blogger blue_palito said...

siopao...baka hindi ikaw ito.. misleading e... hehehe

1:42 PM  

Post a Comment

<< Home