meron pa ba?
Ang bilis talaga ng panahon ano (daig pa ang marathon). Di mo masyadong namalayan, maraming taon na pala ang nakaraan. Simula ng ika'y magtrabaho, kumita ng barya barya na sa tingin mo noon ay sapat na para sa isang naguumpisa. Di mo pa noon masyadong iniisip ang halaga (medyo medyo lang nman di ba). Basta ang importante kumikita ka na para sa sarili mo, para sa mga payak na pangangailangan mo (noon yon, complex na ngayon). Simpleng bagay, simpleng buhay. Pero sino ba naman ang magaakalang aabot ka sa ganito. Di ba nga noon ay kabilang ka sa mga nagbabalak lumisan. Ang sabi mo aalis ka na pagkatapos na pagkatapos ng kasulatan sa isang papel. Ayaw mo kasing magbayad ng bond (mahal eh... sayang naman... pangparebond mo na lang... sosyal!). Nang matapos na ang bond na pinakaaantay mo biglang nagbago ang isip mo. Ang sabi mo cge na nga isa pang taon, kaya mo pa. Dumaan ang taong yon pero nabago na naman ang desisyon mo. Cge pwede pa... dagdagan pa natin ng isa pa at isa pa at isa pa... hanggang ngayon nagdadagdag ka pa din ng paisaisa. Parang ang peyboret mong si jolibee. Isa pa... isa pa... isa pang chicken joy. Isang buwan na lang, isang taon na lang, sa susunod na lang, o di kaya kapag may magandang pagkakataon na lang, promise! Pero ang hirap di ba. Naiisip mo pa lang nanghihina ka na (not enough vitamins), di makakain (kasi diet ka), di makatulog (insomiac ka, o di kaya'y naparami ang kape mo sa katawan), di makalakad (matanda ka na, nagkakaedad na ba), nadedepress (hanggang ngayon single ka pa den). Maluhaluha ka na sa drama, letting go and moving on. Oh hindi! Nakasanayan mo na kasi ang ganitong buhay (getting so used... duh!). Ang pabugsobugsong deadlines sa trabaho. Maaaring ngayon di mo malaman kung ano ang gagawin mo pampatay ng oras na napakabagal ng takbo. Nabasa mo na lahat ng blogs na alam mo kasi ngayon yan ang nauuso. Nainvite mo na lahat ng tao sa friendster mo (nalalaos na to). Sawa ka na sa kakayahoo games mo at sa pakikipagchat mo (palibhasa lahat ng pambobola nasabi mo na). Samantalang kinabukasan, trabaho ay biglang nagdagsaan. Di mo ngayon maisip kung sino ang una mong tatawagin. Si batman o si superman para ikaw ay matulungan. Di na oras kundi sarili na ang pinapatay. Oras ay nais pigilan (freeeezeee!!! itaas ang kamay!). Kelangan pumasok ka ng maaga at umuwi ng umaga na nang makatulog ka naman kahit na blinking sleep, patol lang (galing kang gimik ano???). Kahit paano ay nakatulog ka pa den, laking advantage na yan. Ang biglaang pagalis papunta sa bansang di mo nais puntahan kung sarili mo lang ang masusunod pero sige sugod, ayos lang yan. Basta pag araw mo na araw mo na talaga san ka man abutin ngayon, basta dagdag kita para sa pamilya (naks! responsible people, bow!). Pero higit sa ano pa man, syempre sanay ka na sa mga taong kasama mo. Sa mga taong nagbigay kulay sa buhay mo. Itim man, puti, pula, dilaw, berde o asul. Lahat ng mga yan ay makabuluhan para sa yo. Mga taong lagi mong naaasahan sa anumang pagkakataon. Sa tsismisan laging number 1. Dinaig pa ang the buzz sa bilis ng takbo ng mga chika na parang galing pa sa bundok ng tralala. Problema sa puso, maningmani lang yan. Makinig ka kay joe d mango, tiyak na heart problem nandyan pa den yan. Palibhasa palakain ka ng crispy pata, yan tuloy nahahighblood ka. Problema sa pera, di iniinda yan. Pagmaypera ka starbucks ang kape mo (totyal talaga!). Pagwala, libreng kape ka muna. Brewed or instant, isipin mo na lang starbucks yan. Kasingsarap pero libre naman. Kitam, walang problema na di nasosolusyunan. Lagi kang may karamay sa lungkot at saya. Meron kang mga kainan buddies. Gimik buddies. Shopping buddies. And sometimes nobody. At sa loob ng mga taong inilagi mo sa kompanya mo, maraming kang nasaksihan, naranasan at natutunan. May mga nagkahiwalay, nagkabalikan at sadyang nagaantay. May mga nagasawa, nagpasakal, este kasal (tumatanda na talaga kayo...), nagkaboyfriend, nagkagirlfriend, at higit sa lahat ung mga wala pa ring boyprend at gerlprend magpahanggang sa ngaun (by choice or by chance, never mind). Ang inosenting isipan (noon... hmmm e baka nagpapakainosente lang?) eh nagmistulang FHM na sa ngayon. Nawala ang kabaduyan, paminminsanminsan na lang. Fashionista kang tunay. Mapabuhok, damit, sapatos, kakikayan ay natutunan. But beyond these (naks naman ingles!!), laking pasasalamat mo dahil sa mga taong to, nakilala mo ang sarili mo (sinong nanay mo!!! ) at patuloy mo pang makikilala sa mga darating na panahon. Nahubog ang pagkatao mo pati katawan mo. Kita mo naman, sino nga ba ang magaakala na ang dating patpatin at bilugan noon ay nagmistulang pang mister and miss universe na ang banat sa ngayon. Katawan pa lang, pero sige hanggang dyan na muna. Ang dami mong natutunan, mga aral sa buhay. Natuto kang magpasensya, magpakumbaba, magbigay, makisama at magpahalaga sa mga taong nasa paligid mo. Kaya ngayon, nagpapasalamat ka sa lahat ng taong nariyan para sa yo, nakikisaya, nakikidalamhati, nakikialam, nakikiusyoso. Salamat! At patawad naman para sa mga taong nasaktan mo sa mga di sinasadyang pagkakataon. Nawa'y may pagkakataon pa para makabawi ka sa kanila. Hanggang sa susunod na kabanata.... meron pa ba?